Pedro Guevara Memorial National High School Annex 2004
CONGRATULATIONS PGMNHS' GRADUATES 2008!
Reflections

Welcome to "Reflection Page!"

Send to

kalinisanatpagbabago@yahoo.com 

your personal thoughts, experiences, and problems and we'll publish them here together with our personal advices and comments.


Dear kalinisanatpagbabago@yahoo.com,

Ako po si Bryan ng Gatid, Santa Cruz, Laguna. Fourth Year High School student po ako sa Main Campus. Ang problema ko po ay ang babaing gustung-gusto ko. Mahal na mahal ko po s'ya pero di ko makuha ang kanyang atensyon. Nalaman ko po na may crush pala siya na kaklase niya sa annex. Wala po akong kalaban-laban don dahil lagi silang magkasama at nagkikita araw-araw. Para pong gustong sumabog ng dibdib ko pag naiisip ko ito. Ano po ang dapat kong gawin? Tulungan ninyo po ako.

Nagmamahal,

Bryan

Para sa 'yo Bryan,

Kung fourth year student ka, malamang na sixteen or seventeen years old ka lang. Alam mo bata ka pa. Ganyan talagang magmahal ang bata pa. Pakiramdam ninyo eh parang siya na talaga ang totoong mamahalain mo habambuhay pero sa totoo lang, hindi pa yan. Iyang nararanasan mong sakit ng kalooban dahil sa pag-ibig? Pilitin mong malagpasan yan nang maayos. Pag nagawa mo, higit ka nang magiging matalino sa susunod na magmamahal ka. When I say higit ka nang matalino sa pagmamahal, hindi ka na basta masasaktan. Marunong ka nang magbalanse ng damdamin mo at pride mo. Hindi lang naman ikaw ang nakararanas niyan. Ang mga matatanda kesa sa'yo? Dumanas din kami ng mga ganyan noon pero okey naman kami ngayon. Di na namin nararamdaman yong dating mga sakit ng loob na bunga ng mga kabiguan sa ganyang bagay. Isiupin mo na lang na gaya namin ay malalagpasan mo rin yan. Ok? Bata ka pa. Huwag mo munang kaseryosohin ang damdaming yan na iyong nararmdaman ngayon. Ok?

   

                                                                  

Letter Sender No. 1        "Boarders"

Dear kalinisanatpagbabago@yahoo.com,

Tawagin n'yo na lang po ako sa pangalang Trex. Dalawampu't tatlong taong gulang. Kasalukuyan po akong nagboboard malapit sa aking pinagtatrabahuhan. Nais ko lang po sanang humingi ng payo kaugnay ng problema ko sa isa kong boardmate. Pareho lang naman kaming boarders pero kung makaasta ay parang siya ang may-ari. Kung makapagsalita ay parang siya na ang pinakamabuting boarder sa balat ng mga boarding houses. Lahat halos ng kilos ko at galaw ay pinipintasan. May mga pagkakataon pa nga pong parang nananadya siyang i-provoke na magalit ako. Ayoko po ng gulo. Gusto ko po ng mapayapang relasyon sa lahat. Ano po kaya ang dapat kong gawin?

Nagmamahal,

Trex '05 of Binan, Pagsanjan, Laguna

Para sa 'yo Trex of Biñan, Pagsanjan, Laguna,

Ikaw na rin ang nagsabing gusto mo ng mapayapang relasyon. Kung sinsero ka sa sinabi mong ito, ihahanda mo ang sarili mo na gawin ang makaDiyos na pamamaraan ng pagtugon sa sinumang taong gumagawa o gagawa sa iyo ng masama. Ito ay ang sinasabi sa Bibliya na "Mahalin mo ang iyong kaaway." Huwag mong gantihan ng masama ang masamang ginagawa sa iyo ng boardmate mo. Sa halip, pakitaan mo siya ng pagmamahal sa pamamagitan ng mga mumunting kabutihan na magpapadama sa kanya na hindi mo nais ng kaaway kundi ng kaibigan. Hindi ito madaling gawin pero pag naramdaman niyang hindi ka niya kayang i-provoke,  I'm sure, titigil din 'yon. Dapat mong alalahanin na hindi natin kayang pagbaguhin ang ibang tao. Ang kaya lang nating kontrolin ay ang ating sarili. Kung hindi man siya magbago, ikaw na lang ang magbago. Higit mong lawakan ang iyong pang-unawa at habaan pa ang iyong pasensya. Pasasaan ba't gagantimpalaan ng Diyos ang iyong pagtitiis.  Ang kakayahang gawing payapa ang relasyon mo sa isang taong mahirap unawain, mahalin, at pakisamahan ay maituturing na isang biyaya. Hindi lahat ay may kakayahang ito ay gawin nang buong husay. Kung magagawa mo ito, congratulations in advance and God bless! Aja Trex! Aja!

                                     
 

Dear kalinisanatpagbabago@yahoo.com,

Parati na lamang po akong sinesermonan ng aking mga magulang sa bawat pagkakamali ko. Naiinis na po ako pero wala po akong magawa dahil mga magulang ko sila. Tama po ba ang ginagawa nila sa akin?

Sumasainyo,

Patty of Villa Silangan, Santa Cruz, Laguna

For  you Patty of Villa Silangan, Santa Cruz, Laguna,

       Ganyan talaga ang mga magulang - nagsisikap na ituwid ang mga pagkakamali nating mga anak nila. Pasalamat ka nga pinapansin ka. Meaning to say, mahal ka. Isa pa, okey na 'yong sila ang parating nagsesermon sa iyo kesa naman ikaw ang parating nagsesermon sa kanila. Hindi yata okey 'yon di ba? Tumahimik ka na lang pag sinisermonan ka. Makinig. Intindihin ang mensahe huwag ang tono ng pananalita. Kung minsan kasi, kaya hindi natin makita ang magandang mensahe ng ating mga magulang sa mga ginagawa nila sa atin ay dahil nakapokus tayo sa paraan ng deliberasyon nila at hindi sa mensahe. Kung ako sa'yo, be thankful na may parents ka. Iyong ibang mga anak nga na hindi nakaranas magkamagulang, ang lagi nilang sinasabi ay ganito: "Kahit mataray, masungit o anupaman, sana nakaranas akong magkamagulang" tapos ikaw na inaabyad na't lahat ng iyong mga magulang e nagrereklamo pa? Come to think of it Patty. Ok?